-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na may nasugatang overseas Filipino worker (OFW) mula sa pagsabog sa Kuwait airport sa gitna ng tumitinding palitan ng strikes sa pagitan ng Amerika at Iran.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nagtamo ng minor injuries sa leeg ang OFW na nagtratrabaho mismo sa paliparan.

Sa ngayon, na-discharge na mula sa ospital ang OFW.

Samantala, kahit walang umiiral na mandatoryong repatriation, inihayag ni Sec. Cacdac na nagpapatuloy ang DMW sa pagtanggap sa mga request para sa repatriation kasabay ng masusing pagsubaybay sa mga development sa ground.

Ayon sa kalihim, hindi pa tamang oras para sa repatriation dahil sa pagsasara ng ilang airspace at kanselasyon ng flights sa gitna ng tensiyon sa Gitnang Silangan.