Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong nasaktan sa tumamang malakas na lindol sa Taiwan noong Sabado, Disyembre 27.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, wala ring mga napaulat na naapektuhan ang trabaho dahil sa lindol.
Nagpaabot din ng dasal ang ahensiya sa mga naapektuhan ng pagyanig sa Taiwan.
Una rito, base sa United States Geological Survey (USGS), tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa may northeastern coast ng Taiwan noong Sabado. Ito na ang ikalawang malakas na pagyanig na tumama sa isla sa mga nakalipas na araw.
Inilagay naman ng weather agency ng Taiwan ang lakas ng naitalang lindol sa magnitude 7 na tumama dakong alas-11 ng gabi (Manila time), na may lalim na 73 kilometers sa may kaubigan ng Yilan County, timog-kanluran ng Taipei.
Sa kabutihang palad, base sa mga report, walang naitalang nasawi o pinsala sa malakas na lindol.
















