Libu-libong mga mamamayanan ng Houthi ang dumalo sa libing ng 12 matataas na opisyal ng Houthi group, kabilang ang kanilang prime minister, matapos masawi sa pambobomba ng Israel noong nakaraang linggo.
Ayon sa ulat, tinarget ng Israel ang isang pagtitipon kung saan nanonood ng talumpati ni Houthi leader Abdul Malik al-Houthi ang mga opisyal kung saan karamihan sa mga miyembro ng gabinete ng grupong Houthi ay nasawi.
‘God is Great, Death to America, Death to Israel, Curse on the Jews, Victory to Islam’, sigaw ng mga dumalo sa libing ng mga opisyal.
Tiniyak naman ng pansamantalang lider ng Houthi-led government na si Mohammed Miftah na maghihiganti sila at magsasagawa ng crackdown laban sa mga espiya.
‘We are facing the strongest intelligence empire in the world, the one that targeted the government – the whole Zionist entity (comprising) the U.S. administration, the Zionist entity, the Zionist Arabs and the spies inside Yemen,’ pahayag ni Miftah.
Samantala, kinondena naman ng United Nations ang pag-atake ng mga Houthi sa kanilang opisina sa Sanaa, Yemen kung saan hindi bababa sa 11 UN personnel ang dinakip.
Una rito, kabilang sa mga tinarget ng Israel ang chief of staff, defense minister, at iba pang opisyal, ngunit nananatiling hindi pa malinaw ang kalagayan ni Defense Minister Mohamed al-Atifi.