Pinagtibay ng Korte Suprema ang bisa ng joint venture agreement ng GlobalCity Mandaue Corporation kasama ang lokal na pamahalaan ng Mandaue.
Ang kasunduan, na nilagdaan noong 2014, ay para sa GlobalCity Mandaue Project isang reclamation at urban development project para sa higit 131 ektaryang lupa sa Mactan Channel malapit sa Marcelo Fernan Bridge.
Itinalagang mixed-use zone ang lugar, na maaaring gamitin para sa mga commercial, residential, industrial, at tourism projects ng lungsod.
Bagamat naantala ang implementasyon ng proyekto dahil sa permit issues, kinilala ng Korte Suprema ang desisyon ng mga mababang hukuman, at iniutos sa Mandaue LGU at GMC na tuparin ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng kasunduan.
Ayon kay Atty. Hans Santos, legal counsel ng GMC, handa ang kumpanya na sumunod sa hatol at makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno upang maisakatuparan ang proyekto.
Inaasahang magbibigay daan ang proyektong ito para sa mas pinalawak na oportunidad sa ekonomiya, mas maraming trabaho, at world-class na pag-unlad ng lungsod ng Mandaue.