-- Advertisements --

Nag-alok si North Korean leader Kim Jong Un ng buong suporta kay Russian President Vladimir Putin sa patuloy na digmaang sa Ukraine.

Ginawa ng lider ang pahayag sa kanyang pag-uusap kay Russian Foreign Minister Sergei Lavrov, ayon ‘yan sa ulat ng state media ng Pyongyang nitong Linggo.

Ang pagbisita ni Lavrov sa North Korea ay bahagi ng serye ng mga pagdalaw ng mga mataas na opisyal mula sa Moscow, bilang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa sa gitna ng patuloy na opensiba laban sa Russia.

Ipinahayag ni Kim na handang suportahan ng Pyongyang ang lahat ng hakbang na isasasagawa ng pamahalaan ng Russia patungkol sa paglutas ng ugat ng krisis sa Ukraine, at naniniwala siyang tiyak na magtatagumpay ang Russian army sa kanilang layuning protektahan ang dignidad ng bansa.

Matapos ang pag-uusap, nagbigay-pugay si Lavrov kay Kim, at tinukoy ang mga bilateral na usapin, kabilang na ang mga kasunduan mula sa summit ng North Korea at Russia noong Hunyo 2024.

Sa mga nakaraang linggo, inanunsyo ng Russia na dalawang beses na pagbisita sa Pyongyang bilang bahagi ng pagpapalawak ng koneksyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, tinalakay din ni Lavrov at ng North Korean counterpart ni Kim, Choe Son Hui, ang mga hakbang upang mas lalo pang paigtingin ang bilateral na relasyon na naging isang “invincible alliance”.