-- Advertisements --
Inakusahan ni US President Donald Trump ang China, Russia at North Korea na nagsasabwatan laban sa Estados Unidos.
Ang nasabing pahayag ni Trump ay kasunod ng pagdalo nina Russian President Vladimir Putin at North Korea leader Kim Jong Un sa military parade sa China.
Sa unang bahagi ng kaniyang social media post ay binati ni Trump si Chinese President Xi Jinping at mamamayan nito dahil sa pagdiriwang.
Ipinaabot din nito ang pagbati kina Putin at Kim Jong Un habang nagsasabwatan sila laban sa US.
Ipinaalala din ni Trump na mayroong papel din ang US sa pagkamit ng kalayaan ng China.
Nagbigay kasi ng military at financial support ang US sa China ng labanan nila ang Japan noong World War II.