-- Advertisements --

Pinuri ni U.S. President Donald Trump ang engrandeng seremonya ng China para sa ika-80 anibersaryo ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit binatikos niya si Chinese President Xi Jinping sa hindi pagbibigay-pugay sa papel ng Estados Unidos sa pagkatalo ng Japan.

‘I watched the speech last night. President Xi is a friend of mine, but I thought that the United States should have been mentioned last night during that speech, because we helped China very, very much, ani Trump.

Magugunitang pinangunahan pinangunahan ni Xi ang parada sa Beijing kasama sina Russian President Vladimir Putin at North Korean leader Kim Jong Un.

Hindi direktang binanggit ni Xi ang Amerika., ngunit nagpasalamat siya sa mga kaalyadong bansa na tumulong sa China.

Sa isang post sa Truth Social, pabiro pang sinabi ni Trump ang pagbati nito kina Putin at Kim Jong Un habang bumubuo umano sila ng sabwatan laban sa U.S. Itinanggi naman ng Kremlin ang anumang sabwatan.

‘Please give my warmest regards to Vladimir Putin, and Kim Jong Un, as you conspire against the United States of America,’ pahayag ni Trump.