-- Advertisements --

Ipinahayag ni North Korean leader Kim Jong Un na patuloy na sususportahan ng kanyang bansa ang China sa pagprotekta ng soberanya, teritoryo, at mga interes nito, ayon ‘yan sa ulat ng KCNA (Korean Central News Agency) nitong Biyernes, Setyembre 5.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing noong Huwebes, sinabi ni Kim na hindi magbabago ang pagkakaibigan ng North Korea at China sa kabila ng pabago-bagong sitwasyon ng sa pandaigdigang merkado.

Tinukoy naman ni Xi na ang China at North Korea ay magkapitbahay, magkaibigan, at magkaalyado na may iisang adhikain.

Kaugnay nito, tinalakay pa ng dalawang lider ang pagpapalalim ng strategic cooperation, pagprotekta sa common interest ng kanilang mga bansa.

Tinawag naman ng KCNA ang pagbisita ni Kim sa China bilang isang “makasaysayang okasyon” na lalo pang nagpapatibay sa ugnayan ng dalawang bansa, sa kabila ng mga hamon at pagsubok sa nakaraan.

Samantala, nagpadala rin ng mensahe si Russian President Vladimir Putin kay Kim bilang pagbati sa pagdiriwang ng foundation day ng North Korea noong Huwebes. Binanggit ni Putin ang makasaysayang pakikiisa ng North Korean forces sa labanan sa Kursk bilang simbolo ng pagkakaibigan ng Russia at North Korea.

Ayon sa ulat, patuloy na nagbibigay ang North Korea ng mga sundalo, bala, at missile sa Russia bilang suporta sa digmaan nito sa Ukraine. Sa isang naunang pulong sa Beijing, tiniyak ni Kim kay Putin ang “buong suporta” ng North Korea sa militar ng Russia bilang isang “fraternal duty.”