-- Advertisements --

Nagkaroon ng pag-uusap sa telepono sina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Russian President Vladimir Putin noong Sabado upang talakayin ang mahahalagang isyu sa Gitnang Silangan, ayon sa Kremlin.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Kremlin na nagpalitan ng pananaw ang dalawang lider hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon, kabilang na ang lagay sa Gaza Strip, ang pagpapatupad ng kasunduang tigil-putukan, at ang mga pagpapalitan ng mga bihag.

inalakay rin nina Netanyahu at Putin ang estado ng programa nuklear ng Iran, pati na ang mga hakbang para higit pang mapatatag ang sitwasyon sa Syria, bilang bahagi ng patuloy na diplomatic engagements ng dalawang bansa sa Gitnang Silangan.

Ang pag-uusap ay naganap matapos muling simulan noong Oktubre 6 ang di-tuwirang negosasyon sa pagitan ng Israel at Hamas, sa pangunguna ng Egypt, Qatar, Estados Unidos, at Turkey bilang mga tagapamagitan.