-- Advertisements --

Naghahanda na ang Israel para sa agarang pagpapatupad ng unang bahagi ng peace proposal ni US President Donald Trump.

Ito ay ang agarang pagpapalaya sa mga natitirang bihag na hawak ng Hamas sa Gaza.

Ginawa ng opisina ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pahayag kasunod ng naging tugon ng Hamas sa proposal ni Trump na pumapayag na silang palayain ang lahat ng mga bihag bagamat humiling ng negosasyon sa ilang mga isyung inilatag sa naturang plano.

Ayon Hamas, ipagpapatuloy nila ang buong kooperasyon sa US President at kaniyang team para mawaksan na ang giyera alinsunod sa mga prinsipiyong inilatag ng Israel alinsunod sa bisyon ni Pres. Trump.

Sinabi din ng grupo na nakahanda silang agad na pumasok sa mga negosasyon sa pamamagitan ng mediators para talakayin ang mga detalye hinggil sa pagpapalit ng mga bihag at nakahandang ipasakamay ang pamamahala sa Gaza sa ilalim ng isang Palestinian authority of independents base sa Palestinian national consensus.

Ang pahayag naman ng Hamas ay kasunod ng panawagan ni Trump sa Israel na agad na itigil ang pambobomba sa Gaza upang maisagawa ang pagpapalaya sa mga bihag.