-- Advertisements --

Pinag-usapan ni Chinese leader Xi Jinping ang sensitibong isyu ng Taiwan sa telepono kay US President Donald Trump, habang binigyang-diin ang pangangailangang mapanatili ang mahinang trade truce ng dalawang bansa.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry, tinalakay rin nila ang iba pang isyu tulad ng Ukraine, ngunit nangingibabaw ang Taiwan, lalo na’t may tensyon si China sa Japan dahil sa self-governing island.

Iginiit ni Xi na ang pagbabalik ng Taiwan ay bahagi ng “post-war international order,” ngunit tinutulan ito ni Taiwan Premier Cho Jung-tai, na nagsabing ang Taiwan ay isang “ganap na soberanong estado.”

Nanguna ang sigalot sa pagitan ng Tokyo at Beijing nang imungkahi ng bagong Japanese PM Sanae Takaichi na maaaring makialam militar ang Japan sakaling atakihin ang Taiwan.

Bagamat hindi opisyal na kinikilala ng US ang statehood ng Taiwan, nananatili itong pangunahing kaalyado at tagapagtustos ng armas ng isla.

Pagkatapos ng tawag, pinuri ni Trump ang “extremely strong” na relasyon ng US-China ngunit hindi binanggit ang Taiwan. Inihayag din ang planong pagbisita ni Trump sa China sa Abril at pagpunta ni Xi sa Washington sa 2026.

Parehong nagpadala ng liham sa UN sina China at Japan ukol sa Taiwan nitong mga nakaraang araw. (report by Bombo Jai)