Nagbabala si Kim Yo Jong, kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un, na maaaring magdulot ng ”negative consequences” ang isinasagawang joint military exercises ng Estados Unidos, South Korea, at Japan ayon sa ulat ng state media ng North Korea (KCNA) nitong Linggo.
Magsisimula bukas, Setyembre 15 ang taunang military drills ng tatlong bansa kung saan tinawag itong ”Freedom Eadge,” na layuning palakasin ang air, naval, at cyber defense capabilities ng US, South Korea, at Japan.
Ayon kay Kim, ang pagpapakita ng presensya ng Amerika., Japan, at South Korea sa maling lugar —sa paligid ng North Korea —ay tiyak umanong magkakaroon ng masasamang epekto sa kanila.
Bukod dito, inaasahang magsasagawa rin ang South Korea at U.S. ng “Iron Mace” tabletop exercises sa susunod na linggo, kung saan pag-uusapan ang integration ng kanilang conventional at nuclear capabilities laban sa mga banta ng Pyongyang.
Nagbabala rin si Pak Jong Chon, isang mataas na opisyal ng North Korean ruling party, na kung ipagpapatuloy ng mga “hostile forces” ang mga ganitong military drills, magpapakita aniy ang North Korea ng mas malinaw at matinding tugon laban sa mga ito.
Magugunitang matagal nang kinokondena ng North Korea ang mga ganitong pagsasanay, na itinuturing nilang rehearsal para sa paghahanda sa giyera, habang igiit naman ng Seoul at Washington na ang ginagawang drill ay isa lamang defense capabilities.