Muling naglunsad ng ballistic missile ang North Korea nitong Biyernes, Nobyembre 7, patungong east cost, at sa mga karagatang sakop ng South Korea at Japan.
Ginawa ang missile launch ilang araw matapos imungkahi ni U.S. President Donald Trump ang kagustuhan nitong makapanayam si North Korean Leader Kim Jong Un.
Ayon sa Pyongyang, tumama ang missile mula sa hilagang-kanlurang bahagi ng South Korea malapit sa border ng China at kinumpirma rin ito ng Japan kung saan bumagsak ang missile debris sa exclusive economic zone ng bansa.
Wala namang naiulat na pinsala, ayon kay Prime Minister Sanae Takaichi.
Maaalalang kamakailan lamang ay ilang beses nang nagsasagawa ng sunod-sunod na missile tests ang Pyongyang kabilang na ang mga hypersonic at cruise missiles.
Tinitingnan naman ito ng mga eksperto bilang pagpapakita umano ng North Korea ng lakas sa gitna ng nananatiling tensyon sa pagitan ng South Korea at Estados Unidos.















