-- Advertisements --

Dumating na sa China si North Korea leader Kim Jong Un.

Kasama nito ang anak na babae na si Kim Jue Ae na siyang sinasabing papalit sa kaniya sa puwesto.

Nasa China si Kim para dumalo sa Victory Day parade sa pang-80 taon ng pagtatapos ng Word War 2.

Makakasama nito na dumalo ang ilang world leaders gaya nina Russian President Vladimir Putin, mga lider ng Iran, Myanmar, Cuba at maraming iba pa.

Lulan ng kaniyang bullet-proof train na sinalubong siya ni Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Huling bumisita si Kim noong 2019 kasabay ng ika-70 anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa.S