-- Advertisements --

Naitala ang pagka-antala ng ceasefire deal sa Gaza, dahil sa pagkakaiba sa posisyon ng mga partido tungkol sa lawak ng pag-urong ng mga pwersang Israeli mula sa Palestinian enclave.

Ayon sa ulat mula sa Palestine at Israel, nagpatuloy ang hindi direktang negosasyon sa isang 60-araw na ceasefire na maalalang iminungkahi ng Estados Unidos noong Sabado.

Samantalang si U.S. President Donald Trump ay mabilis na umaasa na pag-usad ng negosasyon.

Ngunit ayon sa ilang sources naganap ang isang mass-shooting kung saan iniulat ng medics sa Gaza na 17 tao ang nasawi noong Sabado matapos umanong pagbabarilin ng mga tropa ng Israel habang kumukuha ng ayuda.

Una naritong iniulat ng United Nations na sa kaparehong sitwasyon 800 katao ang nasawi sa loob lamang ng anim na linggo.

Ayon sa mga saksi, binaril ang mga tao sa ulo at katawan, na kinumpirma naman ng reporter ng Reuters kung saan nakita umano nila ang labi ng mga biktima na nakabalot sa puting shroud habang umiiyak ang mga kamag-anak sa Nasser Hospital.

Inamin naman ng militar ng Israel ang insidente ngunit iginiit na nagbigay lamang sila ng warning shots, at wala raw silang nakita na may tinamaan sa mga ito.

Nabatid na tinutulungan ng mga delegasyon mula sa Israel at Hamas ang mga pag-uusap sa Doha, Qatar, na naglalayong magka-ayos para sa unti-unting pagpapalaya ng mga bihag, pag-urong ng mga tropang Israeli, at pagtatalakay sa posibleng pagtatapos ng giyera.

Ayon sa Israel, ang pagka-antala ng negosasyon ay dulot ng hindi pagpayag umano ng Hamas na tumanggap ng mga panukalang lisanin ang Gaza, ngunit tugon ng Hamas nais nilang bumalik sa mga linyang hawak ng Israel noong nakaraang pag-uusap.

Samantala, isang mass shooting sa isang aid distribution point sa Rafah noong Sabado ang naitalang pinakahuling insidente na nagresulta sa pagkamatay ng mga tao habang naghahanap ng pagkain.

Inilunsad naman ng Israel ang isang bagong sistema ng pamamahagi ng ayuda noong Mayo, na kinabibilangan ng Amerika, at ito ay pinoprotektahan ng mga tropang Israeli upang mapigilan ang mga militanteng magsamantala na kumuha ng pag-kain. Ngunit tutol dito ang UN.

Libu-libong Israelis naman ang nagtipon sa Tel Aviv upang magpahayag ng kanilang pagnanais na mapag-usapan ang pagpapalaya ng mga natitirang hostages at wakasan na ang madugong digmaan.