Sinuporthan ng mga leader ng Middle East at Europa ang plano ni U.S. President Donald Trump para wakasan ang giyera sa Gaza matapos pagbantaan ang Hamas na dapat tanggapin din ang alok na ceasefire.
Kasunod ito ng napagkasunduan nila Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na agarang tigil putukan kapag pumayag ang hamas na palayain ang 20 living hostages at mga labi ng hindi bababa sa 12 hostages kapalit ng daan-daang Gazan hostages.
Batay sa isang ulat naibigay na sa mga opisyal ng Hamas ang 20-point plan ni Trump kung saan nagsasaad na hindi papamunuan ng hamas ang Gaza at hindi ito makikiaalam sa posibilidad na kilalanin ang Palestine bilang isang state.
Samantala sa isang joint statement ng mga bansang U.A.E, Saudi Arabia, Qatar, Egypt, Jordan, Turkey, Indonesia at Pakistan pinuri ng mga ito ang liderato at sensiridad ni Trump na wakasan ang gyera sa Gaza.
Ani European Council President Antonio Costa, lubos siyang nasiyahan sa positibong reaksyon ni Netanyahu sa naging kasunduan at iminungkahi ang agarang aksyon upang mabigyang pag-asa ang isinasakatuparang kapayapaan sa dalawang bansa.