-- Advertisements --

Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kailangan nang matalo ng Hamas sa Gaza upang mapalaya ang natitirang mga bihag, ilang araw bago ang nakatakdang pagtalakay ng gabinete sa bagong plano ng digmaan.

Ayon sa ulat ng Israeli media, pinag-iisipan umano ni Netanyahu ang ganap na pagsakop sa Gaza Strip, kahit pa lumakas ang international na panawawan para sa pagtatapos ng digmaan.

Binalaan naman ng United Nations ang Israel na maaaring magdudulot ng malawakang trahedya para sa mga Palestinian at maglalagay sa panganib sa natitirang mga bihag.

Sa naging pagbisita ni Netanyahu sa army training facility, iginiit ng Punong Ministro na kailangan tiyakin na hindi na muling magiging banta ang Gaza sa Israel. Bukod dito nagsagawa rin si Netanyahu ng tatlong oras na meeting kasama ang mga hepe ng hukbo ngunit wala namang inilabas na bagong plano.

Mariin namang tinutulan ng Palestinian Authority at ng Gaza Hamas-run government ang planong ito. Ayon sa Hamas, hindi nito mababago ang kanilang posisyon sa mga usapang tigil-putukan, at nananatili ang kanilang panawagan para sa kalayaan ng Gaza.