-- Advertisements --
Muling ipinag-utos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang matinding airstrike laban sa Hamas.
Inakusahan umano ng Israel ang Hamas ng panloloko matapos na ang ipinasakamay nilang kabaong ay hindi naglalaman ng mga bihag base sa ginawang pagsusuri.
Malinaw umano ito na paglabag sa napagkasunduang Gaza ceasefire deal na dapat ay naipasakamay na nila ang bangkay ng 13 bihag pa nila.
Itinanggi naman ito ng Hamas kung saan hinaharang umano ng Israel ang kanilang pagsusumikap para tuluyang mahanap ang mga bangkay na kanilang bihag.
Nanawagan sila sa mga mediators na agad na gumawa ng hakbang para hindi na lumala pa ang muling airstrike na isinagawa ng Israel na ikinasawi ng limang katao.
















