-- Advertisements --

Naglabas ng arrest warrants ang Istanbul Chief Prosecutor’s Office laban sa mga matataas na opisyal ng Israel.

Kinabibilangan na pinapaaresto rito si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, Defense Minister Israel Katz at maraming ibang opisyal.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong crime against humanity at genocide sa Gaza.

Nakasaad sa nasabing kaso ang gianwang pag-atake ng Israel military sa mga sibilyans, pagamutan at pagkasira ng mga imprastraktura sa Gaza mula ng atakihin nila noong Okture 2023.

Nagiging bukas ang Turkiye sa ginagawang genocide ng Israel sa Gaza.

Sinuspendi rin ng Turkiye ang kanilang diplomatic at trade relations sa Israel dahil sa kaguluhan.

Magugunitang naglabas na rin ng arrest warrants ang International Criminal Court noong Nobyembre 2024 laban kay Netanyahu at dating Defense Minister Yoav Gallant dahil sa war crimes.