Umaabot na sa 565 ang naitalang patay dahil sa Wuhan coronavirus o kilala rin bilang novel coronavirus (nCoV).

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Mainland China, habang mayroon na ring fatalities sa Hong Kong at Pilipinas.

-- Advertisement --

Umakyat naman sa 28,000 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit sa buong mundo.

Pero masaya ang World Health Organization (WHO) dahil kahit seryoso ang banta ng sakit ay mayroon namang nasa 1,100 na gumaling, matapos unang ma-detect na may nCoV.

Sa kasalukuyan, pinaigting pa ang paghihigpit sa mga byahe sa China at mga bansang may recorded Wuhan coronavirus.