Aabot sa P1.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang suspeks sa anti-drug operations sa isang mall sa Pasay City.

Sinabi ni Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao, hepe ng Cubao Police Station, target ng kanilang operasyon ang alyas Jenny na itinuro ng kanilang naarestong suspek.

Makailang beses na nagpalit ng lugar ang mga suspek sa transaksyon hanggang mapagkasunduan na sa isang mall sa Pasay ito isagawa.

Naaaresto ang limang suspek kabilang isang menor de edad kung saan aabot sa 200 gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska.