-- Advertisements --

Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga coastal barangays maging sa mga mangingisda ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang pagkakarekober ng nasa pitong sako na nakitang palutang-lutang sa karagatang bahagi ng Western Pangasinan.

Ang nasabing mga sako na nakita ng mga mangingisda ay naglalaman ng hinihinalang shabu at ito ay nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso.

Ayon kay Police Captain Rowell C. Isit, hepeng PNP Drug Enforcement Group sa lalawigan, kasama nila ang PDEA ,Philippine Navy at ibang mga govenrment agencies para marekober ang iligal na droga.

ang Chief ng nasabing tanggapan matagumpay ang hanay ng pulisya, PDEA , PH Navy at iba pang governemt unit sa pagrekober ng nasabing illegal na droga.

Dahil dito ay inalarma na nila ang mga kapulisan ng mga coastal municipalities ng Pangasinan na paigtingin ang kanilang pagbabantay matapos ang paglutang ng ilang sako ng droga sa ibang mga bayan gaya sa Bolinao at Agno.