Limang katao ang panibagong inaresto sa isinagawang anti-drug operations ng PNP sa Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang 20 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P27,200.

Base sa imbestigasyon ng PNP, ikinasa nila ang operasyon matapos na makabili ang kanilang operatiba sa kinaroroonan ng mga suspek sa North Fairview kaninang madaling araw.

Itinanggi naman ng mga naaaresto ang akusasyon sa kanila.