Russian plane
Burning Russian plane

Nasa 41 katao ang patay sa pagkakasunog ng pampasaherong eroplano sa Russia.

Kabilang sa nasawi ang dalawang bata at isang flight attendant.

Ang nasabing eroplano ay patungong Murmansk City subalit wala pang 30 minuto ng mag-take off ay bigla na lamang itong nasunog.

Hindi naging matagumpay ang unang emergency landing nito sa Sheremetyvevo airport sa Moscow.

May kabuuang lulan na 73 pasahero ang Aeroflot nang mangyari ang insidente.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Investigative Committee ng Russia sa nangyaring insidente.