Chili Sauce drugs
Chilis sauce with drugs from Australia

Aabot sa 400 kilos ng crystal methamphetamine o shabu ang nakumpiska sa apat na kalalakihan sa Australia.

Inilagay ang nasabing mga droga sa loob ng mga bote ng imported na hot sauce.

Nakumpiska ang nasabing mga kontrabando matapos na makakuha ng impormasyon ang mga otoridad na mayroong inilagay na droga sa chilli sauce na galing sa U.S. patungong Sydney.

Mayroong kabuuang 768 na bote ang kanilang nakumpiska ng mga otoridad.

Malaki ang paniwala ng mga otoridad na pawang mga miyembro ng sindikato ang naarestong suspek.