Nagsimula na ang gobyerno ng Australia sa malawakang paglilinis matapos ang nangyaring pagbaha na kumitil ng lima katao at ikinasira ng mahigit sampung-libong ari-arian.
Ayon kay Australian Prime Minister Anthony Albanese , tiniyak ng kanilang gobyerno na lahat ng mga apektadong residente ay makakatanggap ng kaukulang tulong.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng damage assessment sa New South Wales na pinaka naapektuhan ng pagbaha.
Sa ngayon ay bahagyang gumanda na ang kalagayan sa ilang mga lugar na naapektuhan ng pagbaha partikular na sa pinakamataong lugar.
Daan-daan naman sa mga residente nito ang nananatili sa mga itinalagang evacuation center.
Pinakahuling naiulat na nasawi sa pagbaha ay isang 80 anyos na lalaki kung saan natagpuan ang kanyang katawan sa ari-arian nito na binaha.
Tiniyak ng kanilang gobyerno na magpapatuloy ang pag-aabot nito ng tulong sa lahat ng mga apektado ng sakunang ito.