-- Advertisements --

Lumagda ang Pilipinas at Canada ng Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA).

Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr at Canadian Minister of National Defense David McGuinty ang pormal na pirmahan na isinagawa sa lungsod ng Makati.

Ito ang unang Indo-Pacific na SOVFA ng Canada sa Pilipinas.

Sa nasabing kasunduan ay magbibigay ng legal framework para sa joint military activities.

Papayagan ang dalawang armed forces ng dalawang bansa na pagandahin ang kanilang kooperasyon.

Pangangasiwaan nito ang presensiya ng foreign troops sa Pilipinas tuwing nagkakaroon ng exercises at pagsasanay.

Para maging epektibo ito ay kailangan ng ratipikasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at aprubahan ng two-thirds ng Senado.

Ang Canada na ang siyang pang-limang bansa na mayroong VFA ang Pilipinas na pinangunahan ito ng US, Japan, New Zealand at Australia.