-- Advertisements --

Plano nina TV host Dawn Chang at longtime partner na si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Atty. Ralph Calinisan na magpakasal sa buwan ng Disyembre.

Sinabi ni Calinisan na noong Disyembre ay nagtungo ito sa Australia para hingiin ang kamay ng nobya sa mga magulang nito.

Bilang aniya respeto ay idinaan niya sa tradisyon na pamamaraan ang nasabing pag-alok ng kasal sa nobya ng mahigit limang taon.

Sa ngayon ay pinaplano ng dalawa ang ilang detalye ng kanilang pag-iisang dibdib.