Inaasahan na makakaranas ng mataas na danger level heat index ang pitong lugar sa bansa ngayong araw ng Biyernes, Nobyrembre 27, ayon sa state weather bureau.
Makakaranas ng 43 degrees Celsius ang mga sumusunod na lugar tulad na lamang ng Coron, Palawan, Dipolog City, Zamboanga del Norte, Puerto Princesa City. Samantala, makararanas naman ng 42 degrees Celsius ang Butuan City, Cuyo Palawan, Dagupan City, at Zamboanga City.
Sa Metro Manila naman ay maaaring umabot sa 38 degrees Celsius ang heat index sa Pasay at Quezon City.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao kung isasaalang-alang ang temperatura ng hangin at humidity sa hangin.
Sa ilalim ng heat index category, umaabot mula sa 40 hanggang 51 degrees Celsius ang ikinokonsiderang nasa danger levels. Ang ganitong klase ng init ay posibleng magresulta ng heat cramps at heat exhaustion. Ang matagal naman na pagkakabilad sa initan ay maaaring mauwi sa heat stroke.
Payo ng eksperto na hangga’t maaari ay iwasan ang outdoor activities sa pagitan ng alas-dyies ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Makatutulong rin ang pagsusuot ng mga light at komportableng damit, at palaging magdala ng payong o sumbrero bilang proteksyon sa matinding sikat ng araw. Hangga’t maaari rin ay iwasan na muna ang pag-inom ng inuming nakakalasing at kape. Makatutulong rin ang pag-inom ng sapat na tubig.
Ayon naman sa state weather na walang weather disturbance ang inaasahan sa loob ng Philippine Area of responsibility sa mga susunod na araw.
Samantala, asahan naman na makakaranas ng Amihan bukas ng Sabado na makakaapekto rin sa Northern Luzon.
Inaasahan naman ang maulang panahon sa mga lugar sa Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Bicol Region, at Eastern Visayas ngayong long weekend.













