-- Advertisements --

Inaasahang muling makarekober o sisigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na tao, ayon kay Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan.

Ayon sa kalihim, kung hindi man nila tuluyang marekober ang mga nawala sa ekonimiya ngayong taon, naniniwala siyang ito ay “temporary setbacks” lamang .

Aniya, magagawang mabawi muli ang economic growth ng bansa sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na interbensiyon at pinahusay na katatagan ng bansa.

Samantala, inanunsiyo rin ng Chief Economist ng Marcos administration na ipaprayoridad ng pamahalaan ang pamamahagi ng napapanahong conditional cash transfers sa nalalabing buwan ng 2025.

Gayundin ang disbursement ng calamity at quick response funds at contingency funds kasama na ang rapid rehabilitation ng mga napinsalang imprastruktura tulad ng mga tulay, dike, at mga kalsada tungo sa pagrekober ng ekonomiya.

Inihayag din ni Sec. Balisacan na nauunawaan nila ang kinakaharap ngayong dagok ng mga pamilyang Pilipino kung kayat tiniyak ng kalihim ang pagprayoridad sa social protection, pagbibigay ng abot-kayang mga serbisyo at paglikha ng mga trabaho para matiyak ang inclusive recovery.