-- Advertisements --

Sinimulan na ang pagdinig ng House Committee on Government Reorganization sa mga panukalang batas na magtatatag ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) para imbestigahan ang katiwalian sa mga proyekto ng imprastruktura.

Ayon sa mga panukala, bibigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang ICAIC kaysa sa kasalukuyang Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Kabilang dito ang pagsasampa ng kaso, pag-sequester ng ari-arian, at pag-isyu ng hold departure orders sa mga sangkot sa anomalya.

Ayon kay House Committee on Government Reorganization Chair Salvador Pleyto, layon nitong palakasin ang ngipin ng ICI at payagan itong direktang magsampa ng kaso sa Sandiganbayan.

Nakatakdang ituloy ang unang pagdinig sa Nobyembre 11, at target ng Kamara na maaprubahan ang panukala bago matapos ang buwan ng Nobiyembre.