-- Advertisements --

Magbibigay ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa gaganaping tatlong araw na protesta ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño na mayroong 10,000 na police ang kanilang ipapakalat na magbibigay ng seguridad.

Gaganapin ang nasabing kilos protesta mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa Rizal Park, Manila.

Katuwang ng PNP ang Manila City Government kung saan nasa 14 ambulansiya ang nakakalat.

Ang nasabing rally ay unang gaganapin sana sa People Power Monument sa Quezon City subalit ang naaprubahan ay sa Rizal Park.

Inaasahan na nasa 300,000 na mga miyembro ng INC ang dadalo sa nasabing pagtitipon.

Dagdag pa ng opisyal na mayroong ilang religious group din ang dadalo sa nasabing pagtitipon.