-- Advertisements --

Nagtala ng record ang magkakapatid mula Scotland matapos na makumpleto ang walang tigil na paglayag lulan ang isang bangka sa Pacific Ocean.

Nagawa ng tatlong magkapatid ang paglayag sa pinakamalaking karagatan sa loob ng 139 na araw.

Sina Ewan, Jamie at Lachlan Maclean ay naglayag ng 9,000 milya mula Peru hanggang Australia.

Sila ang unang koponan na nagtala ng record mula South America.

Naka-survive sila sa pagkain ng mga isdang nahuhuli sa dagat at baon nilang freeze-dried meals.

Lulan sila ng F1-inspired na carbon fiber boat.