-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Philippine men’s football team ang Timor Leste 4-1 sa AFC Asian Cup Qualifiers na ginanap sa Darwin, Australia.

Naging bayani sa panalo ng Pilipinas si Bjorn Kristensen na unang nagtala ng dalawang goals sa first half.

Pagpasok naman ng second half ay muli itong nagtala ng dalawang goals.

Nagsilbing home team ang Tajikistan subalit wala silang sariling court na pumasa sa AFC kaya sa Australia ito ginanap.

Dahil sa panalo ay hawak ng Pilipinas ang kalamangan sa Group A ng third round qualification ng torneo na mayroong pitong puntos, dalawang panalo at isang draw.

Lamang sila ng tatlong puntos sa koponan na Tajikistan.

Susunod laban ng Pilipinas ay sa araw ng Martes, Oktubre 14 na gaganapin sa New Clark City Stadium sa Capas,Tarlac.