-- Advertisements --
Ikinatuwa ng Palestine ang pagkilala ng mga bansang United Kingdom, Australia at Canada sa pagiging Palestinian state nila.
Ayon kay Mohammad Shtayyeh isang senior Palestinian official, na ang nasabing hakbang ay resulta ng diplomatic efforts na pinangunahan ni Presidente Mahmoud Abbas.
Itinuturing din nito na ang pagkilala ng mga bansa ay magpapalakas ng relasyon ng Palestine sa iba’t-ibang mga bansa.
Hinikayat din nito ang mga bansa na gayahin ang ginawa ng iba na kilalanin sila bilang Palestinian State.