-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng China Open si Jannik Sinner.

Ito ay matapos na talunin niya si Fabian Marozsan ng Hungary sa score na 6-1, 7-5 sa laro na tumagal ng isang oras at 19 na minuto.

Sinabi ng Italian tennis star at world number 2 na masaya ito sa panalo laban sa World number 57.

Ipinagmamalaki nito na mayroon na itong malinis na 10 panalo at wala pang talo.

Susunod na makakaharap nito si Alex de Minaur ng Australia.