-- Advertisements --

Nanawagan ang Office of the Civil Defense (OCD) sa publiko na makibahagi sa 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw Nobyembre 6.

Pangungunahin ito ngayon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ng Ilocos Region.

Gaganapin ang ceremonial na pagpindot ng button sa Sta.Catalina, Ilocos Sur at doon rin gagawin ang full-scale exercise.

Mahigpit na babantayan nina OCD Ilocos Region Director and RDRRMC Chair, Laurence Mina, ang regional preparations para sa aktibidad kaasma si NDRRMC Executive Director and OCD Administrator, Undersecretary Harold Cabreros.

Ilan sa mga babantayan ang pagsasagawa ng strategic at operational level gaya ng pagtatayo ng command and control center, emergency telecommunications, response cluster activation at iba pa.

Hinikayat din ng OCD ng mga local government units sa buong bansa na magsagawa rin sila ng sariling earthquake drill.