Mahaharap sa malaking hamon ngayon ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers.
Ito ay matapos na mapabilang sila sa Group A kasama ang mga magagaling na mga koponan.
Kasama ng Gilas sa grupo ang world number 7 na Australia, world nmber 22 na New Zealand at ang number 88 na Guam.
Magsisimula ang group stage games sa buwan ng Nobyembre ngayong taon kung saan ang FIBA World Cup 2027 ay gaganapin sa Doha, Qatar.
Mahalaga na makapasok sa Top 3 ng grupo ang world number 34 na Gilas Pilipinas sa first round ng qualifiers ng double round-robin, home and away tournament sa anim na window para makausad sa ikalawang round.
Nangangahulugan nito na magkakaroon ng dalawang pagkakataon na maghaharap ang Gilas at Guam na dapat ay manalo.
Ang Top 3 na koponan sa Group A ay makakasama sa tatlong qualifiers mula Group C na kinabibilangan ng Iran, Syria at Jordan.
Ang Group B ay binubuo ng Japan, China, Korea at Chinese Taipei habang ang Group D naman ay binubuo ng Lebanon, Saudi Arabia, India at host na Qatar.