-- Advertisements --
Sisimulan na ng PBA ngayong Season 50 ng Philippine Cup ang pagbibigay ng Ramon Fernandez Trophy sa mga magwawagi ng Most Valuable Player award.
Ito ay bilang pagkilala sa legendary PBA player na tinawag na “El Presidente” .
Si Fernandez rin ang manlalaro na mayroong pinakamaraming championship na nakuha na umabot sa 19.
Sinabi ni Fernandez na isang malaking karangalan na ipangalan sa kaniya ang MVP award.
Hindi lamang aniya itong personal na pagkilala at sa halip na panghabambuhay na pagkilala sa kaniya ng PBA na itinuring niyang ikalawang pamilya.
Si Fernandez din ay nangunang lead scorer na mayroong 18,996 points ganun din sa rebounds na mayroong 8,652, shot blocks na 1,853; free throws na 3,848 at number 2 career assists na may 5,220.
















