Hinikayat ng grupo ng mga negosyante ang gobyerno na palakasin ang pag-export ng mga lokal na produkto sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na mahalaga na samantalahin ng gobyerno ang nilagdaan kamakailan ng free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE).
Labis na ikinatuwa ng grupo ang pagpirma ng kasunduan ng Pilipinas at UAE ng Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA).
Dagdag pa ng grupo na hindi lamang dapat nakatuon sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Gitnang Silangan at sa halip ay mga produkto na dito lamang sa Pilipinas makikita.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagtungo sa UAE si Pangulong Ferdinand Marcos kung saan isa sa mga tinalakay dito ay ang pagpapatibay ng samahan ng dalawang bansa.















