-- Advertisements --
Pasok na sa finals ng PBA 50th Season Philippine Cup ang San Miguel Beermen.
Ito ay matapos na hindi papormahin ang Barangay Ginebra 101-88 sa Game 6 semifinals na ginanap sa Smart Araneta.
Bumida sa panalo ng Beermensi CJ Perez na nagtal ang career-high na 41 points habang mayroong 23 points si Don Trollano.
Mula sa simula ay dominado ng Beermen ang laro kung saan lumobo pa lalo ang kanilang kalamangan hanggang sa last quarter.
Labis naman na ikinatuwa ni San Miguel coach Leo Austria ang kanilang panalo dahil ito ang inaasahan ng kanilang mga fans.
Makakaharap ng Beermen sa finals ang TNT Tropang 5G.
















