Darwin Australia
Darwin, Australia

Nasa apat na katao ang patay sa naganap na pamamaril sa Darwin, Australia.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, pumasok ang suspek sa isang motel at doon walang habas na namaril.

Malaki ang paniwala ng mga kapulisan na mag-isa lamang ang suspek.

Hindi naman ikinokonsidera ni Australian Prime Ministar Scott Morrison na isang uri ng terorismo ang nangyaring pamamaril.

Ilang oras na isinara ang lugar matapos na maaresto bitbit ang pump action shotgun na sinasabing hindi bababa sa 20 putok ang pinakawalan nito.