Patay ang apat na hinihinalang holdaper matapos na manlaban umano sa mga kapulisan sa Payatas Road sa Batasan, Quezon City.

Mabilis kasi na nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag sa kanila na may nangyaring holdapan sa isang gasolinahan.

Mabilis na natunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng mga suspeks subalit agad silang nagpaputok ng kanilang mga baril nitong Martes ng madaling araw.

Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng mga napatay na mga suspeks.