Arestado ang apat na katao matapos maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa Barangay Culiat, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng droga.

Ayon sa PNP, agad nilang nirespondihan ang sumbong sa kanilang opisina ng ilang mga concern citizen.

Nakatakdang sampahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek.