Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao dahil sa pagbebenta ng COVID-19 vaccines.
Kinilala ang mga naaresto na sina Kour Singh, Calvin Roca at Alexis de Guzman na isang registered nurse sa pagamutan sa Maynila.
Nakuha sa kustodiya ng tatlo ang nasa 300 doses ng CoronaVac vaccines na gawa ng Sinovac.
Ayon kay NBI Task Force Against Illegal Drugs chief Ross Jonathan Galicia na nakakuha sila ng ulat na mayroong iligal na bentahan ng droga noong tatlong nakaraang linggo.
Agad silang ikinasa ang operasyon na ikinaaresto ng mga suspek.
Base sa nakuhang impormasyon ng NBI na ibinebenta ng mga ito ang bakuna sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Inihahanda na ng kaso laban sa mga naarestong suspek habang pinaghahanap na nila ang isang nakatakas na kasamahan ng suspek.















