Nagsumite ngayong araw ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ng kanilang kontra salaysay kaugnay sa isinampang reklamo kamakailan ng Bureau of Internal Revenue laban sa kanila.
Ito’y kasabay ng kanilang pagdalo sa isinagawang preliminary investigation sa Department of Justice patungkol sa kasong tax evasion.
Ayon mismo kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ito ang ginawa ng mag-asawa buhat nang dumating sa tanggapan ng kagawaran.
Maaalalang sinampahan sila ng Bureau of Internal Revenue ng patung-patong na mga reklamo dahil sa tinatayang aabot sa higit 7-bilyon Piso umano’y tax liabilities.
Nag-ugat ang pagsasampa ng reklamo sa bigong pagbabayag ng mga Discaya sa buwis ng kanilang 9 na luxury cars at unpaid documentary stamp taxes ng supposed divestment sa apat na pagmamay-aring construction firms.
Ang reklamong tax evasion dulot ng di’ pagbabayad ng kaukulang buwis ay simula taong 2018 hanggang 2021.
















