Maghahain ang kampo ni Senator Ronald Dela Rosa ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.
Ito ay matapos na ibinasura ng Korte Suprema ang hirit nila na dapat obligahin si Ombudsman Jesus Remulla na ipakita at isumite ang umanoy hawak niya na warrant of arrest mula sa International Criminal Court laban sa Senador.
Ayon sa abogado ng Senador na si Atty. Israelito Torreon, na bilang abogado at opisyal ng korte ay dapat ipaliwanag ni Remulla kung bakit ito ay may kopya ng umanoy warrant mula sa ICC.
Ilan sa mga kuwestiyon na dapat sagutin ni Remulla ay kung kaninong otoridad ito ng nakakuha ng kopya ng nasabing warrant.
Magugunitang inanunsiyo ni Remulla na mayroon na itong kopya ng warrant of arrest laban sa Senador na nakalagay sa kaniyang cellphone.
Si Dela Rosa ay PNP chief noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong ngayong sa The Hague, Netherlands dahil sa crime against humanity mula sa kaniyang kampanya laban sa iligal na droga.















