-- Advertisements --
Nagningning si Ahtisa Manalo sa Evening Gown Competition ng Miss Universe 2025.
Suot niya ang gawa ng batikang fashion designer na si Val Taguba na siyang nagdisensyo rin ng ilang mga gowns ni Ahtisa nang sumabak ito sa Miss Universe Philippines.
Mala-diyosa ang naging awra ni Ahtisa sa kanyang gown.
Pasok sa Top 5 sina Thailand, Philippines, Venezuela, Mexico, at Côte d’Ivoire.
Inaabangan naman ng pageant fans ang magiging sagot ni Ahtisa sa Q&A segment ng kumpetisyon. (Betha Servito)
















