-- Advertisements --

Aabot na sa 280 na mga trucks na may dalang mga pagkain at gamot ang nakapasok na sa Gaza.

Ayon sa Israel military body Cogat na siyang nakikipag-coordinate sa pagpasok ng tulong sa Gaza, nakapasok ang mga truck sa pamamagitan ng Kerem Shalom at Zikim crossings.

Ang nasabing mga trucks ay mula sa mga pinasamang tulong na nakulekta at ipinakalat ng United Nations at International organizations.

Bukod sa mga trucks ay mayroong 131 na mga paleta ng mga tulong ang na-airdropped sa tulong ng mga bansang United Arab Emirates, Jordan, Germany, Belgium, Italy, the Netherlands at France.

Sa kasalukuyan ay ang US at Gaza Humanitarian Foundation (GHF) ang ilang mga organisasyon na nagdedeliver ng mga tulong sa Gaza.