-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Israel ang muling pagbubukas nila ng Rafah border crossing sa araw ng linggo.

Ang nasabing pagbubukas ay matapos ang halos dalawang taon na ito ay isinara.

Subalit ang nasabing crossing sa pagitan ng Gaza at Egypt ay bubuksan lamang para mapayagan ang limitadong paggalaw ng mga tao.

Ayon sa Coordinator of Government Activities in the Territories (COGAT) at ang defence ministry body ng Israel na sila ang mangunguna para bantayan ang nasabing pagbubukas.

Papayagan din dito ang pagbabalik ng mga residente mula sa Egypt patungo sa Gaza.

Isa ito sa pangunahing daanan ng mga humanitarian supplies para sa ilang milyong Palestino na nasa Gaza.

Nakasaad kasi sa ceasefire deal na isinulong ng US na dapat ay buksan ng Israel ang nasabing crossing.

Subalit nagmamatigas pa rin ang Israel at patuloy ang ginagawang pag-atake sa Gaza.